Note: This post is written in my native language.
*** Wala akong alam sa economics at kahit anong tungkol sa economy. Wala din akong interest intindihin or maintindihan ito. Tutal, wala naman akong mapapala dito. Mas naiitindihan ko pa ang peso-dollar exchange rate. Yan ang basehan ko ng ekonomiya natin. Pag bagsak ang peso, pangit ang ekonomiya, mataas ang bilihin, masaya ang mga OFW. Ngayon, mataas ang peso, mataas pa rin ang bilihin, malungkot ang mga OFW. Teka, OFW lang ata apektado. Kasi tayo, matagal ng apektado, walang pagbabago mataas man o mababa ang peso. Malamang wala din pakialam ang gobyerno natin dito. Kanya kanya na silang tago para hindi madamay sa ZTE Broadband Deal. Di ko alam kung sino nagsasabi ng totoo, pero ang instinct ko si Jun Lozada daw.
*** Naiinis ako pag dumadating ang araw bago o pagkatapos ng sahod. Bakit? Yun ang araw na pinapadala ng HR ang payslip namin. Hindi dahil konti lang ang sinasahod ko kaya ako naiinis (dahil kahit magreklamo ako walang mangyayari) kundi ang makita ang x,xxx.xx na numbero sa tabi ng salitang TAX. Bwisit! Ang laki-laki ng kinakaltas na tax, pwede nang pambili ng gatas at diapers ng anak ko. Wala namang napupuntahan ito. Naisip ko pano na yung mga taong minimum lang ang sahod, kinakaltasan din sila ng tax, pano kaya nila napagkakasya ang natirang sahod nila sa mga gastusin nila. At ang gobyerno na kumukuha nito, kapal din ng mukha ninyo. Hoy! Mahiya naman kayo. May pabusiness-business trip pa kayong nalalaman, sa mga 7-star hotel pa kayo nagstastay. Buti nakakain at nakakatuloy pa kayo ng maayos. Sabagay halang na ata mga bituka ninyo. Sana man lang maisip ninyo na nagkakandakuba kami magtrabaho dito tapos ang kinakaltas na tax sa amin ay walang pakundangan niyo lang na ginagastos.
*** Nung college ako, dahil sa Recto ako nag-aaral, palagi ko na lang nakikita ang mga nag-rarally sa Morayta. Angal ng angal sa sahod. Naisip ko noon kung nagtrabaho na lang sana sila para may masasahod sila sa araw na yun kesa naman sa magrally sila. Noong isang linggo, may nagrally naman dito sa Paseo de Roxas. Ganun pa rin ang stand ko. Para sa akin, kung pumasok na lang sila para may masahod sila. Nag-aaksaya lang sila ng oras at pagod kasisigaw doon. Wala naman makikinig sa kanila. Wala naman silang mapapala sa gobyerno.

Comments
2 Responses to “Rotten system”
hi sis...natawa nmn ako pero so true. magtrabaho na lang sila kesa magrally. ;)
btw, you've been tagged:
http://bloggerhappy.com/2008/02/21/lets-play-domino/
antindi ng galit mo chatty ah =) heheh cool ka lang po... mishu so much!!!
Post a Comment